Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cayetano nagtago sa likod ng mga ‘attack dog’

0 118

BINANSAGAN ni Buhay Party-list Representative Lito Atienza si House Speaker Alan Peter Cayetano na ‘hooligan’ o ‘hoodlum’ matapos ang ginawa nitong puwersahang pag-apruba ng 2021 proposed budget at maagang pagpapasuspendi ng sesyon hanggang Nobyembre 16 dahilan upang walang magaganap na palitan ng liderato.

“I will personally vouch, kung between Cayetano and (Mariduque Rep Lord Allan) Velasco, you are not even comparing because malayong-malayo ang ugali ni Velasco. Congress will be better off with a man, a gentleman like Velasco and not a hooligan like Cayetano. ‘Yan ang diperensiya nilang dalawa,”giit pa ng solon.

Dahil dito, muling hamon ni Atienza si Cayetano at sinabing “time to go, Mr. Speaker. Time to go.”

Tinawag rin ni Atienza na panibagong ‘chapter’ ng Cayetano ‘telenovela’ang pagkilos nito at kanyang mga barkada na binansagan nitong ‘Gangs of Congress’.

“‘Yung kanyang ginawa (Martes), another chapter of the Cayetano telenovela, related to all these past weeks yung kanyang mga antics. He walks into the halls of Congress like the Piper of Taguig followed by his minions, Majority Leader Martin Romualdez, LRay Villafuerte, Dan Fernandez,” ayon kay Atienza kasabay ng pagsasabing , “mayroon siyang barkada, I call them now the ‘Gangs of Congress’ because every time they walk in, pwede ka na kabahan, mayroon na naman itong gagawing kalokohan dito.”

Tinuligsa rin ni Atienza ang lantarang paglabag ni Cayetano sa mga alintuntunin ng kapulugan gayundin ang Constitutional provisions sa pagpapatibay ng budget.

Matatandaang si Cayetano ang naghain ng mosyon para tapusin na ang deliberasyon at debate sa proposed budget at ipasa na sa ikalawang pagbasa.

Ngunit ayon kay Atienza, ang naturang mosyon ay hndi man lamang umano napagdebatehan.

Dapat sana sa Oktubre 14 itinakda ang turn over base sa term-sharing agreement nina Cayetano at Velasco. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.