Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cayetano nilarga `BTS’ bloc sa Kongreso

0 332

Nilunsad kahapon sa pangunguna ni Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano ang Balik sa Tamang Serbisyo (BTS) bloc sa Kongreso para muling mapagtuunan ng pansin ng mga mambabatas ang mga mahahalagang isyu tulad ng COVID-19 vaccination program at economic recovery ng bansa, mga presyo ng bilihin at kuryente, at iba pang nakakaapekto sa pang araw-araw na buhay ng mga mamamayang Pilipino.

Ayon kay Cayetano na dating House Speaker, kailangang pagtuunan ng pansin ang mga isyung ito na tila ba nawalan na ng pokus sa Kamara, na dapat sana ay sinusuportahan ang mga prayoridad ng administrasyong Duterte habang nananatiling isang independent na institusyon.

“Kailangan natin ay Bayanihan at Tapang sa Serbisyo na nawala na sa Kongreso,” ani Cayetano. “Huwag panay puro politika lang.”

“`Best of the Best’ ang hangad ko para sa bawat Pilipino,” dagdag pa ni Cayetano.

Kasama sa `BTS’ bloc ang ilang dating lider ng Kamara sa pangunguna nina

Ex-Deputy Speaker at Camarines Sur Cong. LRay Villafuerte, Laguna Cong. Dan Fernandez, Batangas Cong. Raneo Abu, Capiz Cong. Fredenil Castro, Bulacan Cong. Jonathan Sy-Alvarado na dating chairman ng House committee on good government and public accountability; at AnaKalusugan party-list Cong. Mike Defensor, na dating chairman ng House committee on public accounts.

Sinabi ni Defensor na hindi lamang sila ang kasapi ng independent bloc na ito, kundi marami pa silang mga committee chairperson at iba pang miyembro ng Kamara na kasama sa BTS.

Leave A Reply

Your email address will not be published.