Abante Tonite Interactive

Cayetano pasikat sa mga Taal bakwit

445

Sa Batangas City planong magdaos ng sesyon ang Kamara de Representante sa darating na Miyerkoles upang talakayin ang mga panukala para sa mabilis na aksiyon at pagtugon sa nangyaring pagsabog ng Bulkang Taal.

Ito ang inanunsyo ni House Speaker Alan Cayetano kahapon bilang tugon sa mabilis na pagkakaloob ng tulong at pangunahing pangangailan ng mga nabiktima ng pag-aalburuto ng bulkan.

Sinabi ni Cayetano na magdaraos ng plenary session ang Kamara sa Batangas City Convention Center.

“The leadership purposes to hold our session on Wednesday in the Batangas City Convention Center .. it is time for us to act. But it is also time for us to listen,” sabi ni Cayetano.

Nais umano ng Kamara na makabuo ng isang strategic plan na magtatalaga ng isang departamento na mangagasiwa sa relief, reconstruction at rehabilitation efforts sa mga lugar na naapektuhan ng pagsabog