Abante Tonite Interactive

Cayetano pinaglaladlad sa protesta ng ‘Pinas sa China

By
944

Ipinalalantad ni Senadora Risa Hontiveros kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Caye­tano ang detalye ng sinasabi nitong 50-100 diplomatic protests na naihain laban sa China.

Sa pagtatanong ni Hontiveros sa budget hearings, inamin ni Cayetano na hindi nito nabibilang ang mga aksyon o protestang ginawa sa China sa iba’t ibang uri ng paglabag.

“Honestly, we haven’t counted, but we’re gi­ving you the assurance that each and every incident, we take the appropriate diplomatic action,” saad ni Cayetano.

Ito ay makaraang ihayag ng kalihim sa hearing sa Kamara hinggil sa West Philippine Sea (WPS) na nasa “50 hanggang 100” diplomatic actions na ang kanilang nagawa.

“But Mr. Secretary, can you at least give some general idea to the committee. So you are confirming that there are 50 to 100? How many were in the form of notes verbale? How many were diploma­tic démarches?” pagtatanong pa ni Hontiveros.

Gayunman, sinabi ni Cayetano na maaari niyang idetalye ang kanilang mga aksyon sa isang closed door session subalit inamin na ang kanila aniyang diplomatic actions ay hindi mahalaga subalit isinusulong aniya nila ang “purpose-driven foreign policy”.

Dahil dito, hinamon ni Hontiveros ang DFA na maging transparent at ipakita ang integridad sa pagpapatupad ng foreign policy framework.