Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cayetano tsinupi uli sa puwesto

0 169

Matapos sipain bilang Speaker, inalis na rin ng bagong liderato ng Kamara ang pagiging legislative caretaker ng first Congressional district ng Camarines Sur si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano.

Si Rizal Rep. Michael John Duavit ang ipinalit bilang bagong legislative caretaker ng naturang distrito.

Magugunitang, noong Septiembre, pinangalalan si Cayetano bilang legislative caretaker ng naturang distrito matapos na pumanaw ang kinatawan nito na si Rep. Marissa Andaya.

Itinalaga rin si Sorsogon Rep. Evelina Escudero bilang legislative caretaker ng second district ng probinsiya matapos na pumanaw rin ang kinatawan nitong si Ditas Ramos noong Septiembre.

Nitong Lunes, pinatalsik si Cayetano sa pamamagitan ng botong 186 at iniluklok si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco as the speaker. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.