Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cayetano umaasang lolobo suporta sa P10K ayuda

0 300

Umaasa si dating Speaker Alan Peter Cayetano na magkakaroon ng `snowball of support’ para sa kanyang isinusulong at ng mga kasamang kongresista sa Back To Service na P10K Ayuda Bill sa Kamara.

Ito ay matapos magpahayag ng suporta sa naturang panukala si Paranaque 2nd District Rep. Eric Olivares.

Sa panayam ng DZRJ, sinabi ni Olivares na full support siya sa P10K Ayuda Bill ni Cayetano dahil kailangan ito ng sambayanang Pilipino. “Kung kaya ng budget bakit hindi para sa mga nangangailanan, kung kaya ng appropriation na i-budget po ‘yon para sa nangangailangan full support tayo doon kung kaya ng budget’’, ani Olivares.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kaugnay nito, lubos ang pagpapasalamat ni Cayetano kay Olivares at sa iba pang mga kongresista na aniya ay payag at sumusuporta din sa P10K Ayuda Bill. “May consensus naman talaga ang buong Pilipinas na kailangan ng P10K ayuda ang mga Pilipino at ito’y mabuti sa ekonomiya at ito ay mabuti sa pamilya,” giit ni Cayetano.

Nakiusap din si Cayetano sa mga kapwa kongresista na bilisan ang aksyon at suporta sa P10K Ayuda Bill upang maibigay agad ito sa mga nangangailangan lalo na ang mga pamilyang nawalan ng kabuhayan at inilugmok ng pandemyang COVID-19. Mahalaga aniya na maikasa na ang P10K ayuda upang agad na maaksyunan ang pagbibigay ng iba pang stimulus package para sa ibang sector ng lipunan. ‘’Kaya pakiusap ko sa lahat ng kongresista na gawin nating mabilis at i- explain natin sa Malakanyang na may pera naman at agad agad na yung P10K ay maibigay at agada agad na isunod naman ang iba pang stimulus gaya ng health, agriculture, tourism, education, at kabuhayan.”

Ang P10K Ayuda Bill ay inihain ni Cayetano at ng kanyang mga kaalyado noong February 2021. Sa halip na ito ay talakayin ay isinama ito sa pagtalakay sa Bayanihan 3 ngunit di rin nabigyan ng halaga dahil mas isinulong pa ng Kamara ang pagbibigay ng P1K sa bawat Pilipino. Ito ay mariin namang tinutulan ni Cayetano dahil hindi aniya limos ang kailangan ng mga tao sa kasalukuyan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.