Abante Tonite
Mabilis sa Balita

CBCP alerto rin sa kalamidad

0 144

Nagpahayag na rin ng kahandaan ang Simbahang Katolika na magbigay ng tulong para sa mga maaapektuhan ng pananalasa ng bagyong `Rolly’ sa bansa.

Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, chairperson ng NASSA/Caritas Philippines na social action arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), aktibo ang kanilang ugnayan sa iba’t ibang simbahan sa bansa na maaaring salantain ng bagyo.

Hinikayat ni Bagaforo ang mamamayan sa mga lugar na posibleng madaanan ng bagyong `Rolly’ na sumunod sa payo at mga abiso ng lokal na pamahalaan, simbahan at ng mga ahensya na nangangasiwa sa pagtiyak ng kaligtasan ng lahat upang maiwasan ang anumang sakuna.

Hinimok din nito ang lahat na mag-alay ng panalangin upang ipag-adya ang bansa mula sa kapahamakan.

Nabatid na bahagi ng mandato ng mga social action centers ng CBCP ay ang pagtiyak sa disaster risk reduction response ng bawat ng simbahan upang tulungan ang mga nangangailangan at maaaring maapektuhan ng iba’t ibang kalamidad.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.