CBCP aprub sa pag-atras ng face-to-face class

Pinapurihan ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na bawiin ang planong pagsasagawa ng dry run para sa face-to-face classes simula sa Enero 2021.
Ayon kay Bishop Rex Andrew Alarcon, chairperson ng CBCP-Episcopal Commission on Youth, higit sa lahat ay mahalaga ang kaligtasan ng mga mag-aaral.

Anomang hakbang aniya kung ito’y para sa kapakanan ng mamamayan, lalo na ang mga `vulnerable’ ay kinakailangang suportahan.
Binawi ni Pangulong Duterte noong Sabado ang desisyon nitong payagan ang limitadong face-to-face classes sa mga piling lugar sa bansa dahil sa ulat na may bagong COVID-19 strain sa United Kingdom at ilan pang bansa na mas mabagsik kaysa unang coronavirus na nagdulot ng pandemya sa buong mundo. (PNA)