Abante Tonite
Mabilis sa Balita

CBCP binanatan Anti-Terror Law, Kapamilya shutdown

0 436

Naglabas ng pastoral letter nitong Linggo ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kung saan kinondena nito ang mabilisang pag-apruba sa Anti-Terrorism Law gayundin ang pagpapasara sa ABS-CBN.

Sa dalawang pahinang pastoral letter na nilagdaan ni Caloocan Bishop Rev. Pablo Virgilio David, acting CBCP president, binanggit ang iba pang mga isyung kinakaharap ng bansa sa kasalukuyan at nagbabala rin para sa mga darating na panahon.

“Is it not evident to us how this pattern of intimidation creates an atmosphere detrimental to the freedom of expression in our country?,” sabi sa pastoral letter.

“While a semblance of democracy is still in place and our democratic institutions somehow continue to function, we are already like the proverbial frog swimming in a pot of slowly boiling water,” bahagi pa ng pahayag. (DollyCabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.