Abante Tonite
Mabilis sa Balita

CBCP hinimok kabataan parehistro sa 2022 halalan

0 505

Umapela ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga kabataan na magparehistro para makalahok sa halalan sa 2022.

Ayon kay Bishop Rex Alarcon, chairperson ng CBCP Episcopal Commission on Youth, mahalagang kontribusyon ng mga kabataan ang paglahok sa eleksyon para sa kinabukasan ng Pilipinas.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nauna na ring nanawagan ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa mga kabataan na magiging 18-anyos na sa Mayo 2022 na magparehistro para makaboto.

Matatapos ang voter registration sa Setyembre 30, 2021 kung saan umaasa ang Commission on Elections (Comelec) na makapagrerehistro sila ng apat na milyong botante. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.