Abante Tonite Interactive

CBCP mga elitista! – Duterte

0 351

Mga mayayaman lamang ang kaibigan ng mga pari at obispong miyembro ng Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Bohol, Miyerkoles nang gabi, kung saan inihalintulad nito sa mga baliw ang mga pari.

Ayon sa Pangulo, puro mayayaman ang kaibigan ng mga pari at obispong katoliko at wala kahit ni isang mahirap na kaibigan ang mga ito na pinunta­han sa kanilang mga bahay.

Abante Hiring – IT dep

“The priests? What do the priests know of? They just keep on gi­ving sermons like a crazy person. The truth is — the naked truth is that the bishops, those big pieces of s*** there in CBCP are elitists. Their friends are rich. Not a single poor friend of theirs ever visited their house. The bishops are elitists,” anang Pangulo.

Makalipas aniya ang dalawan­g buwan matapos siyang maluklok bilang residente ay nagmartsa na ang mga pari at iba pang alagad ng Simbahan para siya pababain sa puwesto.

Sinabi pa ng Presidente na ininsulto siya ng mga pari kaya bumanat na rin siya at inilabas ang sikreto ng mga ito. (Aileen Taliping)