Abante Tonite
Mabilis sa Balita

CBCP naalarma sa suicide ng ilang pari

0 52

Nagpahayag ng pagkaalarma ang Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) dahil sa magkasunod na pagpapakamatay ng ilang pari.

Kasabay nito, pinaaalalayan ng CBCP sa mga obispo ang mga pari sa kanilang mga nasasakupan para magabayan. Aminado si Calookan Bishop Pablo Virgilio David, acting president ng CBCP na hindi ligtas ang mga pari sa kalungkutan sapagkat mga tao rin ito na maaaring makaranas ng mental health issue dulot ng pagkabalisa, trauma, at iba pang sanhi ng depresyon.

Una na umanong napaulat ang pagpatiwakal ng lingkod ng simbahan sa Apostolic Vicariate of Calapan Mindoro na nagbigti at nitong huli sa Diyosesis ng Antipolo na nagbaril sa sarili.

“Many of them are also very vulnerable; I know some of them feel depressed and very guilty dahil hindi sila makalabas and they cannot attend to their pastoral duties,” dagdag ni Bishop David.

Samantala, sa tala ng National Center for Mental Health (NCMH), nadagdagan ang mga suicide-related call simula nitong Hulyo.

Ipinakita naman sa Social Weather Station survey noong Hulyo na 84 porsyento ng mga Filipino ay nakararanas ng stress dahil sa COVID-19 pandemic.

Ipinakita naman sa Social Weather Station survey noong Hulyo na 84 porsyento ng mga Filipino ay nakararanas ng stress dahil sa COVID-19 pandemic. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.