Abante Tonite
Mabilis sa Balita

CBCP nanawagan ng dasal, aksyon ng sambayanan

0 306

Dinaan sa panalangin at pagkanta ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang kanilang apela sa sambayanang Pilipino kaugnay ng dinaranas na COVID-19 pandemic.

Sa pangunguna ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, umapela ito sa publiko na manalangin dahil maraming mamamayan ang nagugutom sanhi ng kahirapan at pandemya.

Hinikayat ni Villegas ang mga Filipino na kumilos na at umaksiyon bago pa mahuli ang lahat.

Sa pamamagitan ng music video, hinihikayat ng Simbahang Katolika ang mga Pilipino na dapat nang mamulat sa katotohanan bago pa mahuli ang lahat.

Mauubos na aniya ang oras kaya dapat nang kumilos. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.