Abante Tonite
Mabilis sa Balita

CBCP napa-sana all sa pag-resign ni Magalong

0 141

Para sa isang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), isang magandang ehemplo ang ginawang pagbibitiw ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong bilang contact tracing czar nang matuklasang kabilang ito sa mga dumalo sa party na nakitaan ng mga paglabag sa mga health protocol.

“At least maganda ‘yung ginawa niya, he took accountability for something that was done. Nakita ng taumbayan na mukha ‘yang mali, mukha ‘yang may paglabag sa health protocols, at least he owned up to it,” ayon kay Rev. Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP.

Ayon kay Secillano, hindi umano lahat ng lider ay katulad ni Magalong dahil ang iba ay kumakapit sa posisyon at dapat umanong makita sa mga lider ang pagiging isang huwaran.

“Ang ginawa naman ni Gen. Magalong malaking bagay din ito dahil sabi ko nga he owned up to it and he wanted to set an example. Sana nga lahat ng leader katulad niya,” dagdag ni Secillano.

Aniya, dapat na mawala na rin ang tinatawag na entitlement sa mga public servant.

“Kasi, halimbawa ang namamayani dito ‘yung entitlement, naku, hindi talaga public service ang ibibigay mo kung ‘di self-interest ang mamamayani dito,” dagdag pa ni Secillano. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.