Abante Tonite Interactive

CBCP sa PNP: Habulin ang ‘big fish’

154

Hinamon ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang Philippine National Police (PNP) na targetin ang mga tinaguriang malalaking isda na responsable sa pagpapakalat ng ipinagbabawal na gamot.

Ayon kay San Jose Bishop Robert Mallari, naka­kabahala na nababalewala ang buhay ng tao partikular ang mga mahihirap na sangkot sa pagtutulak at paggamit ng bawal na gamot habang wala namang nadarakip na malalaking drug lords.

“I am worried about the degradation of human life, especially of the poor – addicts or pushers they may be – who are not really the ‘big fish’ and who are in the drug business only for survival,” sabi pa ni Mallari sa ulat ng CBCP website.

Giit nito mahalaga na igalang ang karapatang pantao ng bawat isa maging ito ay sangkot sa iligal na droga.

“We recognize that for the first time we see our government showing a political will to fight against criminality related to drugs and we commend our pre­sent government for this. We pray that the PNP will res­pect the law, the rights of others, and always consider the absolute value of human life,” saad pa ni Mallari.

Samantala, sinabi naman ni Lingayen-Dayugan Archbishop Socrates Villegas, pangulo ng CBCP na bagama’t nauunawan nito ang trabaho ng mga pulis sa isinasagawang operasyon kung saan nalalagay sa alanganin ang buhay ng mga ito.