Abante Tonite Interactive

CDM Ramirez natuwa sa kooperasyon ng mga NSA

336

Nasisiyahan si Chef de Mission at Philippine Sports Commission Chairman William Ramirez sa patuloy na paghahanda ng Team Pilipinas para sa magaganap na 30th Southeast Asian Games 2019 sa bansa sa darating na Nobyembre 30-Disyembre 11.

Ito’y bunsod sa koo-perasyon ng mga national sports association sa kanya at sa PSC, kabilang ang 11 Martes nang umaga, kung saan patuloy ang mga kasamahan ni Ramirez sa paglalatag ng preparasyon para sa biennial meet.
Pinamunuan ng PSC Commissioner per cluster ang nasabing meeting, kahapon ay si Comm. Ramon Fernandez ang nanguna sa grupo.

Ang ibang clusters ay nakatakdang isagawa ngayong maghapon nang Huwebes.
“We have to cover a lot of ground and we are heartened by the cooperation of everyone,” patungkol ni Ramirez sa pagdalo ng NSA representatives. (Elech Dawa)