Abante Tonite
Mabilis sa Balita

CDO, 3 pang siyudad pinabantayan sa virus surge

0 248

Dapat tutukan ang apat na siyudad kung saan nakakakita ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Ayon sa OCTA Research, maituturing na ‘areas of concern’ ang mga lugar ng Puerto Princesa, Cagayan de Oro, Zamboanga City at Bacolod.

Ngunit paliwanag ni Dr. Guido David, hindi naman dapat ito ikaalarma dahil mas madaling nakokontrol ang pagkalat ng virus sa mga maliliit na probinsiya o siyudad.

Nitong Biyernes ay isinailalim ang Zamboanga City sa modified enhanced community quarantine (MECQ) habang nasa general community quarantine (GCQ) naman ang Puerto Princesa.

Kaugnay nito, muling umapela si Guido na dahan-dahan lamang ang pagluluwag ng mga quarantine protocol habang patuloy na bumababa ang mga kaso ng COVID-19 sa Metro Manila at maging sa mga karatig lalawigan ng Rizal, Batangas, Bulacan at Cavite.

Inaasahan umano nila na mas mababa na sa 2,000 ang magiging kaso ng COVID-19 kada araw sa Metro Manila matapos na bumaba na ito sa 2,100 mula sa pinakamataas na 5,500. (Raymark Patriarca/Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.