Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ceasafi jrs MVP pinalipat ni Ayo

0 331

Nagkomit na si Cebu Schools Athletic Foundation Inc. (Cesafi) Juniors Most Valuable Player at Ateneo de Cebu Magis Eagles star Leobert Andrew “LA” Casinillo para maglaro sa University of Santo Tomas Tiger Cubs sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

Inihayag kamakalawa ni UST Growling Tigers coach Aldin Ayo na ni-recruit niya si Casinnilo nang magtungo siya sa Cebu noong Enero dalawang buwan makaraang rendahan ng basketbolista ang Magis sa trono ng liga sa pagwalis sa best-of-three Finals kontra University of Cebu Baby Webmasters.

Nakatulong ang pagtawid ni Casinillo sa mas malaking entablado kasunod sa pagkansela ngayong taon ng 20th Cesafi 2020-21 dahil sa COVID-19 pandemic. (RC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.