Abante Tonite Interactive

Ceballos, Generika ginuho ang Cignal

217

Kumayod ng tig-14 points sina Fiola Mae Ceballos at Kanjana Kuthaisong upang pasanin ang Generika-Ayala sa pagsakal sa Cignal, 25-17, 25-20, 25-22 Huwebes ng gabi sa 7th Philippine Superliga 2019 Grand Prix 2nd round elims sa Filoil Flying V Center, San Juan.

Ipinakita ng Lifesavers ang pagkauhaw sa panalo nang umarangkada sa first set, hindi rin sila nagpabaya sa second frame kaya muli nilang nakuha ito.

May tsansa sanang makahirit ng fourth set ang HD Spikers sa paglamang ng 17-12 sa set 3. Pero ganadong maglaro ang Lifesavers, gumapang para tapusin ang laro at makuha ang pangalawang panalo sa siyam na sabak.

Abante Hiring – IT dep

Karamihan sa mga laban ng Generika-Ayala’y natatapos sa five sets kaya halos lahat ng fans ay nanibago sa kanilang napanood sa event na suportado ng Asics, Mueller, Mikasa, Senoh, Team Rebel Sports, Bizooku, UCPB Gen, Cocolife, Hotel Sogo at Data Project.

“Ginawa lang namin ‘yung training namin kahapon, nasanay kami sa five sets kaya gusto namin makabawi at madagdagan ‘yung panalo namin,” saad ni Ceballos na hinirang na Best Player of the Game.

Tumikada si Ceballos ng 10 attacks at apat na service aces para sa Lifesavers habang kumana si Thai import Kuthaisong ng14 markers din.

Nagtala si Mylene Paat at American import Erica Wilson ng 15 at 11 markers para sa HD Spikers ayon sa pagkakasunod. Pero sadsad pa rin sa 5-4 record ang Cignal.