Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cebu, 36 na patay sa virus

0 464

Nakapagtala na ang Department of Health (DOH) ng 36 katao na nasawi dahil sa COVID-19 infection sa Cebu City.

Nakasaad sa DOH COVID-19 Case Bulletin No.118 na dahil dito ay umabot na sa 1,360 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa coronavirus pandemic sa bansa.

Ang pinakamataas na bilang ng mga nasawi ay naitala noong Abril na umabot sa 50.

Sinabi ni DOH Director for Health Promotion and Communication Service Beverly Lorraine Ho na 57 porsiyento ng mga nasawi ay edad 60 pataas.

Dahil dito, muling pinayuhan ng DOH ang mga matatanda na mag-ingat dahil sila ang madaling kapitan ng virus.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.