Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cebu binulabog ng 4 bomb threat

0 81

Namayani ang tensyon sa Cebu matapos gulantangin ng mga bomb threats ang apat na lugar sa nasabing siyudad.

Sa report ni Lt. Col. Maria Theresa Macatangay, information officer ng Cebu City Police Office, bandang hapon noong Huwebes ay nakatanggap ng apat na magkakasunod na banta ng pambobomba ang mga kinauukulan na kalaunan ay nakumpirmang panloloko lamang.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinabi ni Macatangay na ang screenshot ng mga text messages na naglalaman ng mga bomb threats ay ipinadala mula sa isang group chat na umabot sa ilang manggagawa sa Cebu City Hall of Justice.

Nakasaad sa text message na nagbabala ito na may magkahiwalay na itinanim na mga bomba hall of justice sa North Reclamation Area, Cebu City Hall, Carbon Market at sa bagong bukas na Cebu City Expressway.

Agad na sinuspinde ang mga pagdinig sa trabaho at hukuman. Gayunman, matapos ang inspeksyon ay wala namang nakitang anumang klase ng pasabog sa apat na lugar. (Betchai Julian)

Leave A Reply

Your email address will not be published.