Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cebu Chooks supalpal sa Ub

0 63

IPINAMALAS ng Cebu Chooks ang pagnanais na makapagtala ng matinding upset subalit sadyang ekspiriyensado ang nakatapat nitong top seed na Ub ng Serbia na itinala ang 21-17 panalo sa pagbubukas ng 2022 Chooks-to-Go FIBA 3×3 World Tour Manila Masters Sabado sa Ayala Malls Manila Bay.

Nakipagsabayan hanggang sa kalagitnaan ang Cebu Chooks sa pamumuno ni Mac Tallo sa ibinihos na 11 puntos tampok ang ilang maliksing galaw na nagpa-wow sa crowd subalit hindi nagpatinag ang Tokyo Olympics bronze medalist squad Ub upang angkinin ang panalo.

Nagawa pa iangat ng top-ranked 3×3 player ng bansa na si Tallo ang Cebu sa 14-12 bentahe subalit agad itong binawi ng mga Serbians bago dinomina ang natitirang 3:59 minuto sa pangunguna ni Dejan Majstorovic.

Ang kabiguan ay nagtulak sa Cebu (0-1) sa must-win situation kontra Zavkhan MMC Energy ng Mongolia. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.