Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cebu City ECQ pa rin

0 284

Nananatiling nasa high risk o peligroso ang Cebu City dahil sa mabilis na pagkalat ng COVID-19.

Ito ang iniulat ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mensahe sa bayan nitong Miyerkules ng madaling-araw sa Davao City.

Ayon kay Roque,masyadong malaki ang itinaas ng COVID cases sa nasabing lungsod kaya pinanatili ang enhanced community quarantine status nito.

Mabilis aniyang magdoble ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 at mataas din ang critical care utilization rate o ang paggamit ng mga hospital sa Cebu City para gamutin ang mga tinamaan ng sakit.

“Nilagay po natin ang Cebu City under ECQ dahil sa malaking pagtaas ng bagong kasi hg COVID-19,” ani Roque. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.