Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cebu GCQ hanggang Agosto 15

0 138

Aprub na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ilagay ang Cebu Province sa General Community Quarantine (GCQ) “with heightened restrictions” mula sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) mula kahapon hanggang Agosto 15, 2021.

Kasabay nito ay na-classify din ang GCQ `with heightened restrictions status’ sa Laguna at Aklan. Mula Agosto 1 hanggang 15, 2021, ay isasailalim naman ito sa MECQ.

Kabilang din ang Apayao sa nilagay sa MECQ mula GCQ simula Agosto 1 – Agosto 15, 2021.

Inaaprubahan naman ng IATF ang pagpapaikli sa 5-araw sa `detection to isolation/quarantine interval’.

Kabilang na rito ang paghahanap ng mga active case sa lahat ng lugar. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.