Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cebu gov, 7 pa absuwelto sa P98M graft

0 172

Ibinasura ng Sandiganbayan Special Division ang kasong korapsyon at ‘technical malversation’ na inihain laban kay Cebu Governor Gwen Garcia at pitong iba pa sa pagbili ng milyun-milyong halaga ng mga ari-arian para sa provincial government noong 2008, dahil sa kakulangan ng sapat na mga ebidensiya.

Sa inilabas na desisyon na may petsang Nov. 26, pinaboran ng anti-graft body si Garcia at sinabing nauukol sa isang kasunduan ang may 11 mga parsela ng lupa na nagkakahalagang P98.926 milyon na diumano’y bahagyang nasa ilalim ng tubig, na kanyang nilagdaan sa Balili family noong siya ay nasa gubernatorial term may 12 taon na ang nakalilipas. Ang 24-ektaryang lupain ay binili upang i-transform bilang ‘investment hub.’

Ayon sa korte, upang madetermina ng prosekusyon na nagkasala ng korapsyon o ‘malversation of public funds’ si Garcia, kailangan umanong maghain ang mga ito ng mga sapat na ebidensiya na magpapatunay sa kanilang ikinaso laban sa gubernadora at pitong iba pa.

Kabilang sa mga napawalang sala ang property owners Amparo at Romeo Balili, maging ang dating public officers na si Juan Bolo, Anthony Sususco, Roy Salubre, Eulogio Pelayre, at Emme Gingoyon, na sinasabing kasabwat sa deal ni Garcia. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.