Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cebu gov tiklop sa face mask

0 96

Matapos magmatigas, nakipagkasundo na rin umano si Cebu Governor Gwendolyn Garcia para tuldukan na ang isyu hinggil sa pagsusuot ng face mask.

Sinabi kahapon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na nagkausap na sila ni Garcia at kapwa sumang-ayon sa isang kompromiso kaugnay sa ordinansa ng lalawigan na maging opsyonal ang pagsusuot ng face mask sa outdoor at well-ventilated areas.

Sa ngayon aniya gumagawa na ang Cebu ng Implementing Rules and Regulations (IRR) para linawin ang pagsusuot ng face mask.

Ayon kay Año, hihintayin nilang matapos ang IRR bago naman sila maglabas ng karagdagang panuntunan.

Samantala, inirekomenda naman ni outgoing Health Secretary Francisco Duque III ang pagpapalawig ng mandatory na pagsusuot ng face mask kasunod na rin ng pagtaas muli ng mga kaso ng COVID-19.

“Well, kung ako tatanungin mo, I will recommend that it should be extended because there’s already an increasing number of cases,” ani Duque.

Sinabi ni Duque na hindi lamang COVID ang maiiwasan sa pagsusuot ng face mask kundi maging ang iba pang sakit tulad ng influenza, bacterial pneumonia, monkeypox, asthma at iba pa.

Una nang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na mandatory ang face mask hanggang matapos ang kanyang termino sa Hunyo 30, 2022. (Dolly Cabreza/Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.