Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cebu gymnastics inayudahan

0 48

Magkakaroon na ang Queen City of the South ng isang akademya sa gymnastics na tatawaging Gymnastics Academy of Cebu sa tulong ng Philippine Sports Commission (PSC) na nagdonasyon ng mga equipment.

“We initially donated 23 rubber landing mats on Monday, and we are expected to send more equipment to get them started on their grassroots sports development,” pahayag Biyernes ni PSC Visayas oversight commissioner Ramon Fernandez.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Itatayo ang GAC sa Labangon Elementary School na isasailalim din sa renovation at lalagyan ng mga shower, locker room at iba pang pasilidad.

Hinirit pa ng opisyal na ang sports agency ay magpapadala ng kumpletong gymnastics equipment na mga gaya ng balance beam, high, horizontal at parallel bar, pommel horse, flex floor system, spotting block, trampoline, vault, at spring board, sa sandaling lumuwag na ang quarantine restriction sa mga local government unit. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.