Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cebu hospital ‘ginatasan’ 2 namatay na mayor

0 91

Naghain ng reklamo si Cebu governor Gwen Garcia at 3rd District Representative John Pablo Garcia sa National Bureau of Investigation (NBI) laban sa ilang doktor at ospital sa Cebu City dahil sa diumano’y maling diagnosis ng mga ito na nagresulta sa pagkamatay ng kanilang dalawang kapatid, 5 araw lang ang pagitan nitong Setyembre.

Bukod sa mga alegasyon ng medical malpractice, kinuwestyon pa ni Garcia ang hospital charge na umabot sa ilang milyong piso bawat pasyente.

“We are looking into the allegations of medical malpractice and bill padding,” sabi ni NBI director Eric Distor na kinumpirma ang reklamong hinain ng mga Garcia.

Kapwa na-confine sa hindi pinangalanang ospital sa lungsod sina Dumanjug mayor Nelson Garcia at Barli mayor Marlon Garcia dahil sa COVID-19, noong Agosto.

Ayon sa reklamo, ang dalawa ay na-clear na mula sa coronavirus higit isang linggo bago ang magkasunod kanilang pagkamatay noong Setyembre 1 at 6.

Binanggit sa reklamo ang mga pangalan ng attending doctor na nirekomenda diumano ang pagpapalawig sa pananatili sa ospital ng dalawang nasawing magkapatid, na nagresulta sa exposure nito sa impeksyon habang naka-confine, at sa kabila ng bill na umabot sa P5.2 milyon at P3.2 milyon. (Nancy Carvajal)

Leave A Reply

Your email address will not be published.