Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cebu konsehal ninakawan habang tulog

0 112

Umaapela si Cebu City Councilor James Cuenco sa awtoridad na mahigpit na ipatupad ang curfew sa nasabing lungsod matapos na pasukin ng hindi pa kilalang armadong magnanakaw ang kanilang bahay sa lungsod na ito.

Ayon kay Cuenco, napasok ng nag-iisang magnanakaw ang kanilang bahay sa Brgy. Guadalupe, Cebu City at ang kanyang kuwarto habang siya ay natutulog, dakong alas-12:06 ng hatinggabi nitong Huwebes.

Paggising ng konsehal kinaumagahan ay hindi na niya makita ang kanyang wallet gayundin ang isang pantalon kaya minabuti niyang tingnan ang CCTV footage. Doon ay nakita niya ang pagpasok sa loob ng kanyang kuwarto ng isang lalaki na armado pa ng mahabang baril na siyang kumuha ng kanyang pantalon at wallet.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Wala namang nasaktan sa mga kasamahan sa bahay ng konsehal. Bukod sa mga nabanggit, wala nang iba pang nawala sa kabahayan.

Ang pangyayari ay agad iniulat ni Cuenco sa Guadalupe Police Station na ngayon ay iniimbestigahan na. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.