Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cebu lawyer nirapido

0 110

Nasawi ang isang 51-anyos na abogado sa Cebu nang barilin ng hindi pa kilalang gunman habang patungo sa kanyang opisina sa Barangay Kasambagan, Cebu City nitong Lunes ng hapon.

Sa ulat, kinilala ang biktimang si Joey Luis Wee.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Lumabas sa imbestigasyon na kalalabas lang ni Wee ng kanyang sasakyan at paakyat na sana sa kanyang opisina sa Altchi Building nang barilin ng dalawang suspek bandang ala-1:30 ng hapon.

Nang mapuruhan ay tumakas ang mga suspek na sakay ng motorsiklo.

Samantala, kinondena at nanawagan ng hustisya para kay Wee ang Integrated Bar of the Philippines Cebu Chapter. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.