Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cebu pac pinipiga sa P800M refund

0 321

Tumataginting na P806.7 milyon pa ang kailangang i-refund hanggang nitong Marso 31, 2021 ng Cebu Pacific ng mga Gokongwei sa mga pasahero nito dahil sa mga nakanselang flights nakaraang taon dahil sa COVID-19.

Ayon sa Cebu Pacific, mas mababa na ito kaysa sa P1.4 bilyong inulat na dapat irefund noong katapusan ng 2020.

Nagkalugi-lugi ang maraming airlines sa mundo dahil sa epekto ng COVID19 pandemic sa pagbibiyahe ng mga tao at marami ang may utang pa na refund sa kanilang mga pasahero.

Binigyan ng Cebu Pacific ang mga pasahero nito ng pagkakataong magrebook na lang ng kanilang mga kanseladong flights ng libre o di kayaý i-convert na lang ang kanilang refund sa isang travel fund na sa Cebu Pacific na flights gagamitin kung makabibiyahe na sila.

Sabi ng Cebu Pacific, “customers were given options for their cancelled flights, which included free rebooking, full cash refund or conversion to a full travel fund.”

Nalugi ang Cebu Pacific ng P7.3 bilyon nitong first quarter ng taon, higit na mas malaki sa P1.2 bilyong lugi o net loss na iniulat noong first quarter ng 2020 nang tanging ang mga biyahe lamang pa Hong Kong, Macau at ibang lugar sa China ang kinansela at nung nagdeklara na lamang ng lockdown Marso 2020 na kansela na ang lahat ng mga flights nito.

Nakakuha ng P16 bilyong credit facility ang Cebu Pacific nung first quarter ng taon at hindi pa nito nagagalaw ang pera as of March 31, 2021 at nagdagdag na rin ng kapital sa kompanya ang mga Gokongwei at ibang may ari nito. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.