Abante Tonite Interactive

Cebu police chief nabulabog sa pasabog ni Duterte

By
1,777

Magsasagawa ng masusing imbestigasyon ang Philippine National Police (PNP) hinggil sa binitiwang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na puro mga adik ang mga miyembro ng Cebu City PNP at mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Central Visayas.

Sinabi ni Police Regional Office (PRO) Central Visayas Director Chief Supt. Debold Sinas na ang pahayag ng presidente ay nakakaalarma kaya kinakailangan itong imbestigahan.

Dagdag pa ni Sinas na mayroon umano silang listahan ng mga pulis na positibo sa paggamit ng iligal na droga at nakatakda umano nitong ilabas ang mga pangalan nito sa mga susunod na araw.

Abante Hiring – IT dep

Posible din umanong magkaroon ng random drug test sa hanay ng kapulisan subalit ang pahayag ni Pangulong Duterte ay hindi umano makakapagpababa ng morale ng Cebu City police.

Samantala inamin naman ni Supt. Marlu Conag, hepe ng Talisay City, Cebu na maituturing na “hotbed” ng iligal na droga ang kanyang nasasakupan.

Matatandaang sa isinagawang speech ni Pangulong Duterte kamakalawa sa Cebu, sinabi nito na puro adik ang mga pulis sa Cebu City gayundin ang mga PDEA agent at baka isusunod niyang target sa drug war ang mga pulis sa Talisay City.