Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cebu rape-slay may suspek na

0 48

May person of interest na ang Talisay Police sa naganap na pangmomolestiya at pagpatay sa isang 10-taong gulang na babae na natagpuan sa loob ng isang tagong kuweba sa Talisay City, Cebu.

Ayon kay Police Lt. Col. Randy Caballes, Talisay City Police Station chief, nakakuha sila ng person-of-interest mula na rin sa mga taong naimbestigahan at positibong utak sa pagkamatay ng biktima.

Samantala, tumulong naman si Talisay City Mayor Samsam Gullas sa kaso sa pagbigay ng P100,000 pabuya sa sinumang makapagtuturo sa suspek.

Matatandaang nadiskubre ang bangkay ng biktima nang may mag-report sa pulisya kaugnay sa maalingasaw na amoy sa loob ng kuweba na kung saan isang bangkay ng batang babae ang natagpuan na tinabunan ng mga bato noong Linggo ng hapon.

Agad nakilala ang mga kaanak ng biktima ang bangkay na siya ang tatlong araw nang pinaghahanap at naka-blotter na sa Talisay City Police Station.

Ayon sa report, nagpaalam umano ang biktima na maliligo sa ilog subalit hindi na siya nakabalik pa kaya nag-alala ang mga magulang niya at agad nag-report sa pulisya.

Naniniwala ang pamilya ng biktima na kinidnap ang kanilang anak at pinagsamantalahan dahil sa nakitang mga sugat sa katawan nito.

Inaalam pa rin kung sino pa ang mga kasabwat sa likod ng panghahalay sa biktima. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.