Abante Tonite Interactive

Cebu tuyot na sa El Niño

240

Idineklara na sa ilalim ng state of calamity ang Cebu City dahil sa epekto ng El Niño phenomenon kung saan halos tuyot na ang kalupaan at mara­ming pananim na rin ang nasisira dahil sa matinding tagtuyot.

Ito ang napagkasunduan ng Cebu City council sa ginawang special session kahapon.

Sa ilalim ng state of calamity, magagamit na ang P27 million calamity fund ng Cebu City na makakatulong sa mga magsasakang naapektuhan ng tagtuyot na kung saan aabot sa P15M ang halaga ng pinsala sa agrikultura.

Base sa report ng Disaster Risk Reduction and Management Office ng Cebu City partikular na apektado ang 28 na mga barangay sa Cebu City kaya natataon lamang umano na ideklara na ang state of calamity. (Vick Aquino)