Abante Tonite
Mabilis sa Balita

CebuPac dagdag singil sa malalaking bagahe

0 137

Nagdagdag ng singil ang Cebu Pacific ng mga Gokongwei sa handling ng oversized baggage ng mga pasahero epektibo nitong Lunes, Pebrero 1.

PANOORIN: I-ACT nanghuli mga pasaway na bus sa Lawton

Ayon sa Cebu Pacific, maniningil ito ng karagdagang P800 para sa domestic flight at P1,300 sa international flight sa mga pasaherong gagamit ng mga maleta na lalagpas sa 39 inches pahalang man o patayo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Paliwanag ng Cebu Pacific, hanggang 39 inches kasi ang kakasya sa conveyor belt nito at ang mga bagaheng lalampas dito ay ituturing nang oversized.

PANOORIN: Bato pinuna ang hindi pagdalo ni PNP Chief Sinas sa virtual hearing sa senado

Paliwanag ng kompanya, ang dagdag singil ay para sa karagdagang gastos ng na kakailanganing gawing manual ang paglipat ng maleta sa loading area. Ang karamihang nagiging oversized bag ay mga maletang naglalaman ng mga instrument tulad ng gitara at iba pa, motorsiklo at telebisyon.(Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.