Abante Tonite Interactive

CebuPac dugyot ang mga gamit

By
1,075

Pasalamat na rin ang mga sumasakay ng Cebu Pacific na pag-aari ng mga Gokongwei dahil nakakabiyahe sila sa murang halaga.

Kabilang tayo at marami nating ka­kilala ang nag-e-enjoy sa murang pamasahe sa ­eroplano ng CebuPac.

In fairness sa CebuPac, malaking katipiran talaga ang kanilang nagagawa sa kanilang mga parokyano.

Kanya nga lamang, kakawing ng mababang pasahe ng airline ay ang sakripisyo ng mga pasahero. Mula sa naantalang mga biyahe at kung ano-ano pang rason na pikit-matang tinatanggap ng mga biyahero dahil mura nga naman ang pasahe.

Pero hindi ito tama, hindi tamang pahirapan ang inyong mga customer dahil sa murang serbisyong inyong ibinibigay.

Hindi namin kasalanan na magbayad ng mura para makabiyahe dahil bahagi ito ng inyong promosyon, ang maglako ng murang tiket para magkaroon ng mas maraming pasahero.

Maliban sa palpak na serbisyong pinagdaraanan ng mga pasahero ay nakakadismaya ring pagmasdan ang kanilang mga gamit.

Katulad na lamang ng check-in counter ng CebuPac sa Narita Airport sa Japan, manliliit ka sa makikita mong mga lagayan nila ng mga bagahe ng mga pasahero.
Aakalain mong banyera ng mga isda sa palengke dahil sa dungis. Walang-wala sa gamit ng ibang international airlines sa linis.

Hindi tayo nagha­hanap ng mamahaling mga gamit mula sa CebuPac, ang sa ganang atin lamang naman ay malinis naman sanang mga lagayan ng mga luggage ng mga pasahero ang kanilang i-provide at hindi nakakadiri na katulad ng mga nakahambalang sa check-in counter ng airline sa Narita. Mapapa-yuck ka talaga sa dungis.

***

Nakikisimpatiya tayo sa TV host/anchor na si Karen Davila dahil sa inabot ng kanyang anak sa Siargao.

Agad-agad kumilos ang ilang opisyal ng gobyerno. May mga nagsabing aayusin na ang sistema at kung ano-ano pang pangako upang hindi na maulit ang sinapit ng anak ng TV personality.

Eye opener na rin ito upang hindi na maulit ang pangyayari at maihanda na rin ang local government unit sa Siargao sa posibilidad na pagbuhos ng mga turista sa kanilang lugar lalo na ngayong nagbabayad ang pagsasara sa Boracay.

Nakakalungkot lamang na kailangan la­ging may hindi magandang pangyayari bago kumilos ang mga opis­yal ng ating pamahalaan.

Hindi lang sana ang mga taga-Siargao ang magising sa pangyaya­ring ito kundi ang iba pang mga LGU na madalas dayuhin ng mga turista.

Maging handa sa ganitong mga pagkakataon na alam naman nating basic lamang pero napakaimportante sa buhay ng mga dumarayong turista.