Abante Tonite Interactive

CebuPac-Gokongwei aberya, 240 pasahero apektado

By
0 205

Nagkaroon ng problema ang Cebu Pacific Flight 5J 803 na lulan ang 240 pasahero papuntang Singapore nitong Biyernes nang madaling-araw kaya’t nag-emergency landing ito sa Brunei International Airport.

Ayon sa netizen at pasaherong si Saul de Jesus, “an emergency descent alert was made prior to the arrival” at nag-landing sila sa Brunei International Airport ng ala-1:48 nang madaling-araw.

Sinabihan sila ng piloto na pinoproseso pa ang mga dokumento at inalok sila ng snacks nang alas-3:47 nang mada­ling-araw pero tulog naman ang karamihan.

Tweet ni RaiM @raimworks na isa pang pasahero, walang ginagawa para sa kanila ang airline ng mga Gokongwei at mahigit limang oras silang stranded.

Sabi ni de Jesus, alas-6:06 nang umaga na nang inamin sa kanila ng piloto na hindi na makakalipad ang eroplanong kanilang sinasakyan papuntang Singapore kaya’t pinababa sila.

Sinabi rin aniya sa kanila na alas-siyete nang umaga makakaalis sa Manila ang eroplanong magdadala sa kanila sa Singapore.

Sabi ni Cebu Pacific spokesperson Charo Logarta Lagamon, wala pa silang detalye kung ano talaga ang naging problema.

“Suffice it to say, it was fortunate the pilots detected it and requested for diversion to the nearest airport,” sabi ni Lagamon.

Nakapagpadala ang Cebu Paci­fic ng pamalit na eroplano na uma­lis sa Mayila ng alas-10:00 nang umaga kahapon na nag-landing sa Burnei nang tanghali.

Ayon sa Cebu Pacific, binigyan ang mga pasahero kung ano mang pagkain ang nasa eroplano at binigyan din sila ng mga meal at refreshment sa Brunei.

Binigyan din ng mga tra­vel voucher ang mga pasahero na maaari nilang magamit sa ibang panahon.

Sabi ni de Jesus, napapanahon na para muling suriin ang Air Passenger Bill of Rights dahil mas­yadong madalas nang nadi-delay ang mga flight sa bansa pero nilinaw naman niyang binigyan sila ng almusal.

Para kay RaiM @raimworks, hindi sapat ang ginawa ng airline ng mga Gokongwei.

“Liars! You only served breakfast, nagbenta pa kayo ng lunch sa pasahero niyo papuntang Singapore? Horrible! Horrible service! Tas advisory niyo you served MEALS??”