Abante Tonite
Mabilis sa Balita

CebuPac-Gokongwei lumobo refund sa P1B

0 268

Mahigit P1 bilyon pa ang kailangang i-refund sa mga pasahero ng Cebu Pacific ng mga Gokongwei na nakansela ang mga flight noong nakaraang taon dahil sa COVID-19 pandemya.

Ayon sa kompanya, mahigit 1,900% ang sinirit ng ire-refund nila sa mga pasahero para sa taong 2020 na umabot na sa P1.43 bilyon mula sa P70.2 milyon lamang noong 2019.

Sabi ng Cebu Pacific, sumirit ang laki ng ire-refund dahil bumugso ang request sanhi ng maraming flight ang kinansela.

“In light of the significant increase in flight cancellations due to the COVID-19 outbreak and consequent grounding of the Group’s commercial operations, customers were given options for their cancelled flights, which included free rebooking, full cash refund or conversion to a full travel fund,” pahayag ng kompanya.

Sa official Facebook page ng Cebu Pacific, umuulan pa rin ng reklamo mula sa mga pasaherong naghihintay ng refund.

Ang netizen na si Michelle Velayo, siyam na buwan nang naghihintay ng refund kahit pa pinangakuan ito na pitong buwan lamang ang proseso nito.

“What happened to your 7 months of refund processing? It’s been 9 months already since I requested for a refund,” sabi ni Velayo.

Naubos naman na ang pasensya ng netizen na si Ro Em Abregana.

“March 2020 pa naming binayaran yung ticket!!!! April 7, 2021 na ngayon hoyyy! Asan na refund naming! Makosenya naman kayo di nyo pera yun! Sobrang unfair nyo! Kami nga nagbabayad ng tamas a oras pag nagbook ng flight ehh refund naming di nyo maibigay agad!!!,” sabi ni Abregana. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.