Abante Tonite
Mabilis sa Balita

CebuPac tinaningan mga pasahero sa refund

0 163

Bibigyan ng Cebu Pacific ng mga Gokongwei ng hanggang Marso 31, 2021 ang kanilang mga pasahero para desisyonan kung magre-rebook, ire-refund o ilalagak sa travel fund ang halaga ng ticket na hindi nagamit dahil sa COVID-19 pandemya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sabi ni Cebu Pacific vice president for marketing Candice Iyog, naiintindinhan ng kompanya na kailangan pa ng panahon para bumalik ang kumpiyansa ng mga pasahero na bumiyahe muli kaya pinalawig nila ang flexible booking option hanggang sa katapusan ng Marso 2021.

Maaari aniyang i-rebook ng mga pasahero ang tiket ng walang bayad at wala ring cancellation fee. Sa mga nais ilagay ang halaga ng binayarang tiket sa isang travel fund ay magiging balido ito sa loob ng dalawang taon. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.