Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Celeb inisahan ang partner sa datung

0 56

Asang-asa ang marami na maayos na ang samahan ngayon ng dating magkaibigang personalidad na naghiwalay na ng landas para isalba raw ang kanilang pagkakaibigan.

Bumaklas na sila sa isa’t isa, nagkani-kanya na ng raket, umasa ang marami na hanggang du’n na lang ang ikot ng kanilang kuwento.

Pero hindi pa pala. Pinagpipistahan pa rin ang totoong dahilan ng kanilang hiwalayan, may malalalim na dahilan pala ‘yon, nagkaroon pala ng isyu tungkol sa pananalapi sa kanilang pagiging magkaibigan.

Kuwento ng aming source, “Nalaman pala ni Personality A na palagi siyang inilalaglag sa mga shows ng partner niya. May mga kumukuha sa kanila, pero hindi siya isinasama ng kaibigan niya!

“Kasi nga, may kataasan ang talent fee ni Personality A, samantalang kung kukuha na lang ng ibang kasamang magpe-perform si Personality B, kahit magkano na lang ang ibibigay niya!

“Palaging ganu’n ang ginagawa sa kanya ni Personality B, inilalaglag siya sa mga raket, wala kasi siyang magegetlak na mas malaking datung kung silang dalawa ang magkasama!” nakataas ang kilay na unang chika ng aming impormante.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Matagal na naitago ni Personality B ang ginagawa nito, salamat na lang sa mga nakapagsabi kay Personality A na ganu’n pala ang ginagawa ng itinuturing pa naman niyang higit pa sa kaibigan, marami siyang hawak na resibo.

Patuloy ng aming source, “Mautak pala kasi si Personality B pagdating sa datung! Kahit sa raket nilang magkasama, hindi parehas ang backlush sa hatian nila ng partner niya. Mas malaki ang sa kanya, kasi raw, siya naman ang nagbubuo ng content nila!

“Hindi naman pala totoo ‘yon! Pareho pala silang nag-iisip kung ano ang gagawin nila, nagtatrabaho silang pareho, kaya dapat, hating-kapatid ang ginagawa ni Personality B!

“Pero sobrang wais ng baklang ‘yon! Hindi siya parehas lumaban, sinasamantala niya ang kabaitan ng kaibigan niya! Hindi kasi makuwenta sa datung si Personality A, hindi siya parang calculator na tulad ng partner niya!

“Meron palang pinagkakaabalahang bisyo si Personality B? Malakas pala siyang magpatalo sa kinalolokohan niyang bisyo!

“Kaya naman pala palagi siyang nangangailangan ng datung! Kaya pala palagi niyang iniisahan sa hatian ang partner niya! Naku, baka ang unang maapektuhan kapag nag-away sila na may pisikalan, e, ang ilong niya?” napapailing na pagtatapos ng aming impormante.

Leave A Reply

Your email address will not be published.