Abante Tonite Interactive

Celebrity ayaw makipag-sex kay KSP

646

Allan Diones

Sumusumpa ang source namin na hindi nagkachorvahan ang isang kilalang showbiz personality (KSP) at ang nali-link ditong kilalang male celebrity (KMC).

Girlash si KSP, na very open sa kanyang nararamdaman para kay KMC. Ang akala ng marami ay intimate ang relasyon nila, pero ayon sa aming source ay never umabot sa sex ang closeness ng dalawa.

Abante Hiring – IT dep

Ang chika ay si KSP mismo ang nagkukuwento sa kanyang showbiz beshie na hindi sila naging intimate ni KMC.

Hindi raw alam ni girlaloo kung bakit, pero wit daw talaga siya sa pagka-chorva ni boylaloo.

May himig panghihinayang si KSP na hindi niya na-experience ang sarap sa piling ni KMC gayong very open siya sa pagkagusto niya rito.

Sey ng aming source, mukhang wit talaga chinorvaloo ni KMC si KFC dahil knowing the girl, kung may nangyari sa kanila ay siya pa mismo ang magkukuwento ng intimate details sa kanyang showbiz beshie.

The mere fact na sinabi niyang hindi siya kinemerut ni KMC despite their closeness ay trulaloo na hindi nga siya pinatos nito.

In fairness ay sinasakyan lang din daw kasi ni KMC si KFC at likas daw kasing mabait si lalaki kaya keri nitong pakisamahan si girl.

May instances na spotted ang dalawa sa malayong lugar at tila palihim silang nagtatagpo roon, pero kahit daw sa ganu’ng lugar ay hindi sila umaabot sa maaksyong eksena sa kama.

Hindi namin sure kung mas lalong hahabol-habulin at hahanap-hanapin ni KSP si KMC kung natikman niya ang makamundong ligaya sa piling nito, pero ayon sa aming source ay okey naman si KMC pagdating sa bagay na ‘yon.

As in sakto raw ang sarap na hatid nito at makukuntento ka sa ligayang malalasap mo.
PAK!!

Pagtatagpo
nina Erap-Isko
nakansenla

Ayaw pala ni Manila Ma-yor-elect Isko Moreno na magpa-victory party.
Ang daming may gustong bigyan siya ng pa-party, pero tumatanggi siya. Ang katwiran niya, “I don’t want to rejoice the misery of others.”

Tutal naman daw ay nanalo na siya, so okey na ‘yon. At saka nahihiya raw siya na magpa-party.

Na-touch si Mayor Isko sa sorpresang munting salu-salo na in-organize ng kanyang discoverer at dating showbiz manager na si Daddie Wowie Ro-xas nu’ng Sabado night dahil nakita niya roon ang mga taong nakasama niya noon.
Nandu’n daw ‘yung mga taong nakilala niya sa bawat yugto ng buhay niya, kaya he’s so grateful and happy.

Hindi pa pala nami-meet ni Mayor Isko ang Ma-yor-elect ng Pasig City na si Vico Sotto. Ang nakasama niya nu’ng isang araw ay ang pinsan ni Vico na si QC Vice Mayor-elect Gian Sotto, na anak nina Tito Sen at Tita Helen Gamboa-Sotto.

Sabi namin kay Mayor Isko, parang sila ni Vico ang pinakasikat na nanalo nitong last elections dahil mga higante sa pulitika ang nilabanan nila at nagtagumpay sila pareho.

“I’m grateful for that. Maraming salamat sa Diyos at sa pagkakataong binigay Niya sa akin.

“Panga-lawa, I’m grateful to Manilans, sa mga batang Maynila. I think it should stop there, kasi I should focus myself on delivering what we have committed in the last elections.

“So ‘yun ang challenge nga-yon. Winning is one thing, ‘yung delivery of my commitment is a challenging task,” bulalas ng bagong halal na alkalde ng Maynila.

Excited ba siyang gawin ang lahat ng gusto niyang gawin sa Maynila?
“Marami akong gustong gawin but I cannot do it alone. So, ako ay nananawagan po sa mga taga-Lungsod ng Maynila na tulungan n’yo po ako. Hindi ko po kayang mag-isa. Mas magandang sama-sama tayo.

“Anyway, at the end of the day, wala namang magmamalasakit sa ating mga batang Maynila kundi tayo ring kapuwa batang Maynila.”

Kamusta sila ni outgoing Mayor Erap Estrada? Naayos na ba nila ang transition ng mga opisina nila?

“I think we’re okay. I tried to ask for a schedule and we had a schedule yesterday, but it was cancelled for some reason on their part.

“I’ll keep on trying, as a matter of respect to former President and incumbent Mayor Joseph Estrada. Anyway, nagdesisyon naman na ang taumbayan eh,” sambit pa ni Mayor-elect Isko Moreno.