Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Celebrity bumagsak

0 189

Bukod sa kinaumayan na ng marami ang paikot-ikot na kuwento ng isang dating male personality na nagbago na ng anyo ay bumagsak pa ang kanyang kredibilidad.

Umani pa siya nang sangkatutak na pamimintas ng publiko, tinawag siyang de primera ilusyunada, kaya bumagsak na ang kanyang pangarap na dumami ang kanyang mga tagasuporta.

Sabi ng isang source, “Nabigo siya, bumagsak na nang bumagsak ang views niya. Sa halip na pakinabangan niya ‘yun para dagdag-kita para sa kanya, e, lumipad pa!

“Sa mga huling vlogs niya, e, nakakaloka, wala pang two hundred ang sumsubaybay sa kanya! Nakakahiya, instead na madagdagan dahil sa pagpapakontrobersiyal niya, e, nawaley pa ang mga na-curious sa mga pinagkukukuda niya!

“Paano na? Marami pa naman siyang obligasyong kailangang bayaran sa pagbabagong-anyo niya?” tanong-opinyon ng aming impormante.

Kung bakit naman kasi sa halip na ikuwento ang kanyang buhay sa ibang bansa ay pinagtuunan pa niya ng kuwento ang isang guwapong male personality na matagal na pala talaga niyang iniilusyon.

Dagdag na impormasyon ng aming source, “Mismo! Matagal na niyang ilusyon ang male personality na pinalalabas niyang nakasama niya sa motel at nagkaroon sila nang mainit na engkuwentro.

“Nu’ng nandito pa siya, lalaki pa ang dating niya, e, meron na siyang mga pinagsabihan na kapag naging ka-close niya ang sikat at guwapong male personality na ‘yun, e, handa na siyang mamaalam sa mundo!

“True! Kaya hanggang ngayon, e, part pa rin ng ilusyon niya ang male personality! At para maging totoo ang ilusyon niya, e, gumawa na lang siya ng script na naging sila!

“Pero ano ang nangyari? Nanatiling ilusyon lang ang mga ikinukuda niya, walang naniniwala sa kanya, ni hindi nga siya pinagsayangan ng laway ng idinadamay niyang male personality!

“Para-paraan nga lang naman ‘yan, pero sorry na lang sa kanya, hindi nakalusot ang mga ilusyon niya!” napakadiing pagtatapos ng aming impormante.

-o0o-

Julia nakatapat ni Jay

Si Julia Barretto ang nakatapat ng tinaguriang King OF Fake News sa social media na si Jay Sonza. Marami nang kuryenteng kuwentong inilabas ang beteranong broadcaster sa kanyang FB account pero walang naghain ng asunto laban sa kanya.

Sinaktan na ni G. Sonza si Kris Aquino sa lantarang pagkutya kay Bimby bilang becki. Binigyan din niya ng ibang interpretasyon ang pamamaril sa van ni Kim Chiu.

Siya rin ang “naka-scoop” na nagpakasal na raw sina Alden Richards at Maine Mendoza at meron na silang anak na lalaki na Theo ang pangalan.

Kung tutuusin ay latak na lang ang kanyang kuwentong nagdadalantao si Julia Barretto kortesiya raw ni Gerald Anderson, marami nang naunang kuryenteng kuwentong inilabas si Mang Jay, pero dito pa sa huli siya naasunto.

Nagsadya sa NBI ang magandang aktres kasama ang kanyang inang si Marjorie Barretto at ang kanilang abogado, sa Cybercrime Division ng ahensiya sila naghain ng kaso laban sa beteranong broadcaster, naglabas ng emosyon si Julia tungkol sa fake news.

Kauna-unawa ang kanyang pahayag na dahil sa maling balitang inilabas sa FB ni Jay Sonza ay naapektuhan ito nang todo, pati ang kanyang pamilya ay nasaktan, kasama na rin ang mga taong matagal nang nagtitiwala at sumusuporta sa kanya.

Pagkatapos ilabas ni Mr. Sonza ang kanyang kuwentong siguradung-siguradong nagdadalantao si Julia, pagkatapos maglabas ng ebidensiya ang aktres na walang katotohanan ang kanyang impormasyon, ay humingi ng dispensa ang broadcaster na nakuryente siya.

Pero huli na ang lahat, paglabas na paglabas pa lang ng kuwento na pinagpistahan ng buong bayan ay nakikipag-usap na pala ang pamilya sa kanilang abogado, buung-buo na ang kanilang desisyon na kasuhan ang tinaguriang King Of Fake News sa social media ngayon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.