Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Celebrity dedma ng mga kapatid

0 141

Talikuran man tayo ng buong mundo ay kakayanin natin ang laban basta nand’yan ang ating pamilya. Basta kahawak-kamay natin sila ay naipanalo na agad natin ang laban.

‘Yun ang kulang na kulang ngayon sa isang nagpapakontrobersiyal na personalidad, sagad ang kanyang lungkot, dahil hindi siya tanggap ng kanyang pamilya sa kakaibang mundong pinasok niya.

Sabi ng isang source, “Instead na mainis ako sa taong ‘yun, e, awa ang nararamdaman ko para sa kanya. Sobrang nakakaawa siya, naghahanap kasi siya ng kalinga mula sa family niya,” unang sultada ng aming impormante.

Masaya ang nasabing personalidad sa kanyang kalayaan, napakahirap nga namang magtago sa dilim, kaya lumantad na siya sa buong mundo bilang kakaibang personalidad.

Patuloy ng aming source, “Pero sinasabi lang niya na masaya siya ngayon, wala naman siyang ibang masasabi kundi ang kunwari, e, masaya siya sa paglalantad niya.

“Pero siguradong kapag nag-iisa na lang siya, e, crying to-the-max siya, humahagulgol siya, dahil parang nag-iisa na lang siya sa mundo sa hindi pagtanggap sa kanya ng family niya.

“Ni ayaw nga siyang pag-usapan ng mga kapatid niya, e! Hindi pa rin nila mahanapan ng sagot ang tanong nila kung bakit nagkaganyan ang kapatid nila!

“May gustong mag-interview sa mga kapatid niya, pero hindi sila available, malinaw pa sa sikat ng araw sa tanghaling-tapat na ayaw nilang magbigay ng kahit anong comment tungkol sa kapatid nilang ewan kung bakit nagkaganyan!

“Kaya ano na lang ang pinagkakaabalahan niya ngayon? Ayun, ang mambulabog ng mga taong nananahimik na, ang mang-away ng mga dating kaibigan niya, ang magpakontrobersiyal dahil napakalungkot nga ng buhay niya!

“E, magiging proud ba naman kasi ang mga kapamilya niya sa mga pinagsasasabi at pinaggagagawa niya ngayon? Waley!” napapailing na lang na pagtatapos ng aming impormante.

BB ilusyunada

Tawa kami nang tawa nina Manay Lolit Solis at Ogie Diaz dahil pati kaming tatlo ay isinali na rin ni Rustom Padilla a. k. a. BB Gandanghari sa kanyang mga kalokahan.

Bakit daw namin siya sinasabihang ilusyunada? Nandu’n daw ba kami sa hotel nu’ng may mangyari sa kanila ng male personality na itinago niya sa pangalang Jonathan?

Ha! Ha! Ha! Ha!

Mga sinungaling daw kami, mga tsismosa, wala raw naman kaming alam tungkol sa tunay na namagitan sa kanila ni Jonathan na paminsan-minsan ay natatawag niyang Piolo sa kanyang vlog.

Ha! Ha! Ha! Ha!

Baril nang baril si Rustom nang walang direksiyon, pinakikialaman niya pati ang opinyon at komento ng mga kumokontra sa kanya, ang gusto niya ay maniwala rin kaming tatlo sa kanyang mga ilusyon.

Ha! Ha! Ha! Ha!

Sabi pa ni Rustom ay mas malaswa raw ang ginagawa ng mga kloseta, ng mga pamintang durog na sa dilim ginagawa ang kanilang mga kababalaghan, ‘yun daw ang dapat naming kalampagin at hindi siya na nagsisiwalat lang naman ng katotohanan tungkol sa naganap sa kanila ni Jonathan.

Ha! Ha! Ha! Ha!

At dati raw ay kami pa ang nagba-blind item kay Piolo, tumitigil lang daw kami kapag binigyan na kami ng pera ng aktor, mas matindi ang ilusyong ‘yun ni Rustom.

Ha! Ha! Ha! Ha!

Pati si AiAi delas Alas na nagpayo lang naman sa kanya na tantanan na niya ang nananahimik na si Piolo ay tinawag pa niyang plastic, ipokrita at kaibigang putik.

Ha! Ha! Ha! Ha!

Ang gusto kasi ni Rustom Padilla, ang lahat ng isinusubo niyang impormasyon sa kanyang vlog ay kailangang paniwalaan ng buong mundo, kahit pa alam niya naman sa kanyang sarili na kathang-isip lang ang mga pinagsasasabi niya.

Ha! Ha! Ha! Ha!

Ilusyunada!

Leave A Reply

Your email address will not be published.