Abante Tonite Interactive

Celebrity Doc Mendez nakalaya na sa Rape

By
5,145

akalaya rin kahapon nang hapon ang celebrity doctor na si Joel Mendez matapos makapagpiyansa sa mga kasong rape at attempted rape na isinampa laban sa kanya.

Bandang alas-11:30 nang gabi noong Huwebes nang maaresto si Mendez sa loob ng parking area sa basement ng BSA Twin Tower sa Mandalu­yong City matapos ang matagal-tagal din na surveillance ng mga tauhan ng Intelligence Unit, Tactical Motorcycle Riders, Women and Children’s Protection Desk at Mobile Patrol Unit ng Mandaluyong Police.

Inaresto si Mendez sa pamamagitan ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Imelda Portes-Saulog ng Mandaluyong Regional Trial Court Branch 214 para sa dalawang kaso ng rape at isang kaso ng attempted rape.

Napag-alaman na isang “aspiring model” ang nagsampa umano ng kaso laban sa celebrity doctor.

Bago mag-alas-singko kahapon nang hapon ay nakalaya na rin si Mendez matapos maglagak ng piyansa para sa mga kinakaharap niyang kaso.

Nalaman ng Tonite mula kay Mandaluyong Police chief Sr. Supt. Moises Villaceran na P240,000 ang piyansa ni Mendez para sa da­lawang kaso ng rape at P120,000 sa attempted rape.

Ayon kay Villaceran, itinakda ang preliminary hearing sa kaso ni Mendez sa Agosto 15 ngayong taon, dakong alas-8:30 nang umaga sa Mandaluyong Regional Trial Court.

Ilang buwan din na isinailalim sa surveillance operation ng mga awtoridad ang celebrity doctor matapos sampahan ng kasong rape at attemp­ted rape ng menor de edad na biktima noong 2016.

Hanggang sa nati­yempohan ito ng mga pulis sa parking area ng BSA Twin Tower. ­