Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Celebrity doc tinuluyan sa rape

0 103

Dinampot muli ng mga awtoridad sa Cagayan de Oro City ang celebrity doctor na si Joel Mendez kaugnay ng kasong rape laban sa kanya.

Ayon kay Police Regional Office 10 Director PBGEN Rolando Anduyan, inaresto ang 60-anyos na doktor nitong Linggo sa loob ng isang mall sa Brgy. Lapasan. Nag-ugat ito sa warrant of arrest na hinain sa kanya ni Judge Joanne Hernandez-Lazo, nitong Pebrero 4. Dahil ito sa kasong attempted rape at dalawang count ng rape through sexual assault, na nabatid na wala nang nirekomendang piyansa.

Dinala si Mendez sa Maharlika detention cell bago ibalik sa Maynila.

Si Mendez ang may-ari ng Skinology Spa and Wellness Center. Una itong inaresto dahil sa parehong kaso noong Hulyo 2018 sa Mandaluyong City, gayunman nakapagpiyansa ito para sa pansamantalang kalayaan.

Kaugnay ito sa reklamo ng 17-anyos na modelo ng Mendez Medical Group na umano’y minolestiya nito sa loob ng kanyang clinic noong 2015.

Leave A Reply

Your email address will not be published.