Abante Tonite Interactive

Celebrity nagkuripot nang magkadyowa

1,061

CUATROS

ROMMEL PLACENTE: Sa December 25 na magsisimula ang Metro Manila Film Festival 2019.

At ang aming fearless forecast, sa walong pelikulang kasali at maglalaban-laban sa taunang film festival, ay ang pelikula nina Vice Ganda at Anne Curtis na “The Mall, The Merrier”, ang magiging top-grosser. Ang sa tingin ko naman na magiging No. 2, ay ang pelikulang pinagbibidahan nina Coco Martin, Jennylyn Mercado at Ai Ai delas Alas na “3pol Trobol Huli Ka Balbon”. Sikat din kasi ang mga bida rito, at marami rin silang tagahanga especially Coco, na malaking tulong na napapanood siya sa top-rating series ng ABS-CBN 2 na FPJ’s Ang Probinsiyano. Ang regular viewer niya sa nasabing serye ay siguradong gugustuhin din na mapanood siya sa pelikula. No. 3 naman ay ang horror film na Sunod, na bida si Carmina Villarroel. Proven na naman kasi, na ang mga pelikulang horror ay tinatangkilik tuwing filmfest. Ang No. 4 para sa amin ay ang Pinoy adaptation na “Miracle In Cell No. 7” na bida ang award-winning actor na si Aga Mulach. Sa trailer pa lang kasi ng pelikula ay maganda na, marami ang naiyak, isa na kami roon. Kaya siguradong panonoorin ito ng tao. Marami pa rin kasi ang mahilig manood ng dramang pelikula. No. 5 lang sa amin ang pelikula nina Vic Sotto at Maine Mendoza na “Mission Unstapabol: The Don Identity”. Hindi na kasi ganoon kalakas sa takilya ang mga pelikula ni Bossing, at kahit si Maine, hindi rin gaanong pinapanood ang kanyang pelikula gaya nang nangyari sa movie nila ni Carlo Aquino. No. 6 ay ang Mindanao, na bida si Judy Ann Santos. Pang-no. 7 sa amin ang pelikula ni Iza Clazado at kulelat ang romantic-comedy film na “Write About Love” nina Rocco Nacino at Miles Ocampo.

Kaya mga ka-Cuatros, aling pelikula ang sa tingin ninyo ang mangunguna sa takilya at alin ang magiging kulelat?

MILDRED BACUD: Christmas season is really about sharing your blessings. Pero ano itong blind item na naririnig natin sa ating mga kasamahan sa panulat tungkol sa isang artistang dating pasabog kung mamahagi ng pa-raffle sa press people pag may filmfest movie pero bakit daw nagkuripot? Nagparapol nga daw pero galing ito sa kanyang mga sponsors. Malayo sa dati niyang ginagawa na hindi niya pinauuwing luhaan ang karamihan ng press at bloggers. Magmakunat daw ba eh lahat naman ng pelikula niya ay malaki ang kinikita. May kinalaman daw ba ang pagiging tipidelya niya ngayon sa nobyo niya?

Anyway, marami na rin nag-aabang sa nalalapit na MMFF. Agree naman ako sa ranking mo ka-Cuatros na Rommel. Pero sabi nga ni Coco Martin sa kanyang presscon for the movie 3Pol Trobol, hindi siya pressured sa ranking kahit pa sinasabing magiging number 2 siya.

Bilang director, screenwriter at artista ng nasabing pelikula, sinisigurado raw ni Coco na maganda ang pelikula niya hindi lamang sa trailer.

RODEL FERNANDO: Trulili mga ka-Cuatros kung kailan dumami ang pera at yumaman ay bigla siyang naging kuripot. Kung tutuusin, barya lang sa kanya kung mag-share siya ng blessing sa presscon ng filmfest moviecon niya. Napaisip tuloy ang ibang press baka may malaking pinaglalaanan para sa kanyang mahal sa buhay.

Anyway, wala akong ker sa kanya basta ako excited sa labanang Best Actress sa pagitan nina Judy Ann Santos ng pelikulang “Mindanao” at Iza Calzado.Kaabang-abang din kung sino ang magiging Best Actor dahil baka kabugin na lang bigla ni Allen Dizon ng Mindanao si Aga Muhlach ng “Miracle in Cell No. 7” na magaling din.

Sa box-office naman, mga pelikula nina Coco Martin, Vice Ganda, Vic Sotto at ‘yung pelikula nina Carmina ang siguradong papanoorin ng mga tao. Pero wish pa rin namin na sana kumita ang walong kalahok ng Metro Manila Film Festival 2019.

RONA RONDA: Baka kaya hindi masyadong binonggahan ng personalidad na ito ay dahil hindi na niya masyadong kailangan ang movie press. Mukhang confident na kasi ang artista na ito na kikita ng bongga ang pelikula niya sa takilya.

Well, Takilya-wise, sa tingin ko ang ranking ay movie nina Vice Ganda at Anne Curtis susundan naman ito ng pelikula nina Coco Martin, Ai Ai Delas Alas at Jennylyn Mercado. Malakas din ang pakiramdam ko na kikita ang pelikula ni Aga Muhlach na “Miracle in Cell No. 7”. Kahit Korean-adaptation pa ito ay maraming gustong makapanood sa Pinoy bersyon.