Abante Tonite Interactive

Celery maraming benepisyo sa katawan

774

Malaki umano ang benepisyo na maaring makuha ng katawan ng tao sa pagkain ng celery o (Apium graveolens).

Ang celery ay may mababang carb, at calorie na maraming health benefits.

Mainam din ang pagkain ng celery para mabawasan ang inyong timbang, maibaba ang blood pressure, mainam sa atay at nakakatulong rin sa pag kontrol ng diabetes.

Mayaman dIn ito sa bitamina, minerals at antioxidants na nakakatulong para mapalakas ang immunity at panlaban sa sakit.

Maari din itong gawin celery juice, isahog sa soups. Maari din kainIn bilang snack ang sariwang celery.

Ang celery ay kabilang sa Apiaceae family at kahalintulad ng parsley.

Related Posts

Ayon sa mga researchers, ang celery ay isang diuretic at nutrient-rich plant at marami ang gumagamit nito bilang traditional medicine.

Ito ay may taglay na limonene, selinene, antioxi­dants (flavonoids), at vitamins C at A.

Ang pag extracts ng celery seeds ay makakakuha ng langis at fatty acids na makakatulong para maprotektahan ang cardiovascular system.

Nakakatulong din ito para mapalakas ang immune system at malusog na balat at mayaman rin sa vitamin K, and contains vitamins A, C, at B-group vitamins.

Nakakabawas rin ng pamamaga ng katawan ang pagkain ng celery.(Juliet de Loza-­Cudia)