Abante Tonite Interactive

Celeste elegante ang kariktan

0 171

Umaariba ang love life ng mga “Los Bastardos” Boys.

Hindi lang mga basta-basta babae ang kanilang nasungkit at nakarelasyon, kundi mga loaded pa sa kagandahan at kaseksihan.

Nangunguna na nga rito si Jake Cuenca na ang syota ay ang dating Miss International na si Kylie Verzosa.

Hindi naman nagpatalbog si Joseph Marco na si Miss Earth Philippines 2018 titlist Celeste Cortesi ang karelasyon nito.

Kung palaban ang kaseksihan ni Kylie, winner din naman ang alindog ng syota ni Joseph.

Mapapatunayan naman ito, hindi lang sa kanyang nakuhang korona dahil sa wagas na alindog nito.

Nakapaskil sa photo gallery ni Celeste sa Instagram account nito ang ilang larawan na naglalantad ng kanyang kaseksihan.

Bukod sa height nito, taglay rin ni Celeste ang kurba ng katawan na pang-beauty queen talaga.

Nakakabaliw ang appeal ni Celeste pati na ang kaseksihan nito sa paningin ng mga mahihilig sa beauty queen.

Sa mga larawan nito na naka-two piece bathing suit si Celeste, puwedeng magpalapot ng pawis sa mga barako.

Siguradong kukulo sa init ng kanilang katawan ang kaseksihan niya.

Kaya nga sobrang proud si Joseph na ipangalandakan ang kanyang kasintahan, dahil kitang-kita naman ang ebidensya ng alindog nito.

Ang kagaya ni Celeste ay dapat na ibinalandra at hindi itinatago. Elegante ang dating ng kanyang kariktan. (Rey Pumaloy)