Abante Tonite Interactive

Celeste pampainit ng ugat

464

Napakapalad na nilalang ni Joseph Marco sa kasintahan nitong si Ms. Earth 2018 na si Celeste Cortesi.

Walang lalaki ang hindi magliliyab ang elya sa kaseksihan ng dalaga sa mga bikini shots nito.

Higit sa siksik-liglig ang alindog ng dalaga na tanging ang Kapamilya hunk-actor ang mapalad.

Mula ulo hanggang paa kasamba-samba ang kagandahan nito na parang nanaisin ng mga barako na ilagay ito sa pedestal.

Sa lumpon ng mga beauty queen ng Pinas, hindi makakabog ang alindog ni Celeste .Punum-puno ng katas ang kanyang kaseksihan.

Alinmang ugat sa katawan ng isang barako ay mabubuhay dahil sa alindog niya. Nagbibigay anghang ito sa panlasa ng mga lalaki.

Pero hanggang pagnanasa na lang sila. Naka-jackpot na si Joseph sa beauty queen. (Rey Pumaloy)