Abante Tonite Interactive

Celine Dion tinanggihan ni Angelina Jolie

546

Tinanggihang gawin ni Angelina Jolie ang biopic ng internationally acclaimed singer na si Celine Dion.

Gusto ni Celine, 51, na buksan ang kuwento ng kanyang buhay sa pamamagitan ng isang musikal na pelikula.

Ang kanyang kaibigang si Angelina ang napili niyang gumanap dito.
Laking panlulumo ng female singer. Hindi siya makapaniwalang magagawa siyang tanggihan ng malapit na kaibigan.

Katwiran ni Angelina, marami pa siyang natanguang proyekto. Sobra talaga niyang busy sa kasalukuyan.

“For years now, Celine’s big passion has been a musical movie adaptation of her life, career and marriage to Rene Angelil. She wants this to happen for both her kids and her fans, and was dead-set on Angie landing the part.

Celine considered Angie a good friend, and is devastated that she’s turning down the role,” ayon pa sa isang Hollywood insider.

Si Celine ang nagpasikat sa mga awiting “My Heart Will Go On” mula sa pelikulang “Titanic.”

Sa katunayan ay naglaan na siya ng $23 million (£17.6 million) para sa pagsasapelikula ng kanyang buhay. (Lourdes Fabian)